NEGROS OCCIDENTAL (Eagle News) — Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA)-Negros Island Region na bibili ang naturang ahensya ng nasa P16.2 million na halaga ng binhi ng palay para sa mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon sa naturang lugar.
Ayon kay DA Regional Executive Director Renato Manantan, nagtutulungan aniya sila ngayon ng Office of the Provincial Agriculturist para sa validation ng pinsalang dulot ng matinding init sa agrikultura sa Negros Occidental.
Samantala, napag-alamang una nang ipinamahagi ng DA sa mga magsasakang apektado ng El Niño ang 3,200 na mga sako ng certified na binhi ng palay.