Tatangkaing masungkit ng Iglesia Ni Cristo ang apat na panibagong Guiness Book of World Record sa isinasagawang Lingap sa Mamamayan ngayong araw, Abril 29 sa Moriones, Tondo, Maynila.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Largest of collection of clothes for recycle/donation
- The most shoes donated to charity in 24 hours
- The most medical ultrasound examination in 8 hours
- The most medical risk assessment in 8 hours.
Maaga pa lang ay dagsa na ang mga kababayan natin na pumunta sa lugar kung saan isinasagawa ang Lingap sa Mamamayan ng INC.
Nakalatag na rin ang mga MPD police personnel na magmamando ng seguridad katuwang ang mga miyembro ng SCAN international.
Nagsimula ang Lingap sa Mamamayan ng INC ng alas-otso ng umaga at matatapos ng alas-singko ng hapon.
Pagkatapos naman ng pamamahagi ng mga goodwill bags at mga damit at sapatos sa mga kababayan natin ay isasagawa naman ang Evangelical Mission.
(Eagle News Correspondent Jet Hilario)