All set na ang Commission On Elections sa ikatlong National Automated Polls sa bansa
Bukas (tomorrow) pipili ang mga pilipino ng bagong pangulo at mahigit sa labing-walong libong iba pang bagong lider sa eleksyon..
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista umaasa siyang ang mananalo ay katangap tanggap at nirerespeto ng mga tao
Sa araw ng eleksyon.Ang Comelec Board Of Election Inspectors (BEIS) at Election officers ang magpapatakbo ng VCM sa mga Polling center.
Ang canvassing at consolidation ng mga boto ay isasagawa ng Board Of Canvassers sa bawat munisipalidad syudad distrito at mga lalawigan…
Para sa Senators at Party-lists, ang Comelec din ang tatayong National Board Of Canvassers.
Samantala ang kongreso at senado ang aaktong National Board Of Canvassers para pagsama-samahin ang Country-wide votes at iproklama ang nanalo para sa posisyon ng President at Vice-President.
Para matiyak na lahat ng mga problemang teknikal ay agad masosolusyonan sa araw ng halalan, ang smartmatic ay magbibigay ng suporta sa pamamagitan ng National Technical Support Center (NTSC)
At dahil asahan ang mataas na voter turnout at 100% transmission rate. tiniyak ng Comelec na nakahanda na ang mga contingency para tiyakin na wala ni isang botante ang madi-Disenfranchised.
Nangako naman ang Comelec Chief maging ang Phlippine National Police at Armed Forces of the Philippines na hindi sila lalahok sa partisan.
https://youtu.be/OPg7xspVg9A