4.3 magnitude na lindol naranasan sa Western Samar

2016_0513_0007_B2F
Photo courtesy of phivolcs.dost.gov.ph

CATBALOGAN, Samar — Nakaranas ng 4.3 magnitude na lindol ang lalawigan ng Western Samar kaninang 8:00 ng umaga, Mayo 13.

Naramdaman naman ang intensity 2 sa Tacloban City, Palo, Dulag Leyte Palanas at Masbate habang intensity 1 naman sa Naval, Biliran.

Nakaramdam ng pagkatakot ang mga residente na nasa mga kabahayan lalo na ang mga nasa matataas na gusali dahil sa nanyaring pagyanig.

Paalala naman ng mga awtoridad na huwag magpanic sakaling magkaroon ng after shocks. Paalala pa ng mga awtoridad na  kung sakaling maulit ang pagyanig ay maging maayos ang paglabas sa mga gusali at magtungo agad sa open area.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente.

(Eagle News Correspondent Randy Flor Im)