Nanalong Mayor at Vice-mayor sa bayan ng Camalig sa probinsya ng Albay magkapatid.

Baldo 1 Baldo 2 SAM_4424 (1) SAM_4424Ang magkapatid na Ding Baldo at  Carlos Irwin Baldo ang nanalo sa isinagawang Eleksiyon noong ika-9 ng Mayo. Isang magandang pagkakataon ang mangyari sa kanilang buhay pulitika ang manalo at manungkulan sa bayan ng Camalig ng sabay at magkatuwang. Si Ms. Ding Baldo ang nanalo sa pagka-Mayor at Carlos Irwin Baldo ang nanalo sa pagka-Vice Mayor.

Ayon kay incoming Vice-Mayor Carlos Irwin Baldo, masaya sya bilang magkapatid ay magkasama na silang manunungkulan bilang Mayor at vice-mayor para sa kanya ay mapapadali sa kanila ang pagpapatupad sa mga ordinansa sa bayan.
Ang una nilang Proyekto bilang tandem ay ang pagpapatuloy ng pagpapadevelop at pagpapasigla sa turismo sa Camalig,ang Water System at pati ang pagme-maintain ng mga Eco-Park.
Abot-abot naman po ang pasasalamat niya sa mga taongpatuloy na nagtiwala sa kanila para manungkulan sa bayan ng Camalig.​

.​