QUEZON City, Philippines — Bilang paghahanda sa nalalapit na Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa darating na Mayo 22, araw ng Linggo, magsasagawa ang Iglesia ni Cristo sa distrito eklesiastiko ng Quezon City ng Lingap sa Mamamayan sa araw ng Martes, Mayo 17 sa Capitol, Quezon City.
Bago pa lamang ang gagawing Lingap ay maaga nang iginayak ng mga kapatid ang kanilang magiging panauhin sa nasabing aktibidad katuwang ang mga maytungkulin sa bawat lokal na kasama sa nasabing aktibidad.
Ang aktibidad ay magsisimula ng 11:00 ng umaga. Magkakaroon ng pamamahagi ng sapatos at damit sa gagawing Lingap sa Mamamayan na may kasama ring serbisyo medikal at dental. Pagkatapos nito ay isasagawa naman ang Lingap-Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos.
Layunin ng nasabing aktibidad na matulungan hindi lamang ang mga kapatid sa loob ng Iglesia Ni Cristo, kundi maging ang mga hindi pa kaanib dito na nangangailangan ng serbisyo medikal.
Kaugnay ng nasabing aktibidad, ipinagbibigay-alam sa publiko na pansamantalang isasara ang bahagi ng Sandiganbayan hanggang Litex mula alas-dose ng hating-gabi (12:00 midnight) mamaya, hanggang 12 ng gabi sa Mayo 17.
(Eagle News Service)