SUBIC, Olongapo — Ngayong araw, Mayo 31 ay isinasagawa ang isang malaking Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Subic Bay Freeport Zone,Olongapo City. Ang venue ay sa Subic Bay Exhibition and Convention Center o SBECC na tinatayang naglalaman ng mahigit sa 10,000 katao sa loob at 15,000 naman sa compound nito.
Inumpisahan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan pagbibigay ng libreng serbisyong -medical at dentalkaninang alas-dose ng tanghali sa lounge ng convention.
Mayroon ding nakahandang entertainment na isasagawa sa Plenary 2 na tiyak na magbibigay kasiyahan sa mga tao. Libu-libong goody bags, mga bagong damit at sapatos ang nakahandang ipamahagi para sa mga taong naanyayahan sa nasabing aktibidad, bahagi ito ng programa ng Iglesia Ni Cristo na Lingap Sa Mamamayan.
Isasagawa rin ang pagtuturo ng Salita ng Diyos na pinakatampok na bahagi ng okasyon. Pangungunahan ito ni Bro. Glicerio B. Santos Jr., General Auditor at Ministro sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
(Eagle News Service Joy De Guzman – Olongapo City Correspondent)