Mga mag-aaral ng Summer Pre-Kindergarten Program ng New Era University sa Metro Manila nagsipagtapos na

MANILA, Philippines –Nagsipagtapos na ang mga mag-aaral ng Summer Pre-Kindergarten Program ng New Era University sa iba’t-ibang mga lugar sa Metro Manila.

Ang nasabing proyekto  ay naglalayon na makapagbigay ng libreng Kindergarten Education Program na handog sa mga batang may edad 4-6 na taong gulang kaanib man o hindi kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Dalawang buwan ding  tinuruan ng mga para-teachers o volunteer teachers ang mga batang mag-aaral.

Pinasalamatan naman ng volunteer teachers ang mga magulang ng mga nagsipagtapos dahil sa kanilang ipinakitang suporta at pakikipagtulungan sa kanila  para matagumpay na maitaguyod ang naturang programa.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ng mga magulang ang volunteer teachers , lalo na ang NEU na nagkaloob sa kanila ng libreng edukasyon pang -kindergarten para sa kanilang mga anak.

Narito ang ilang mga lugar sa Metro Manila  na may mga  nagsipagtapos sa Summer Pre-Kindergarten Program  at ang kabuuang bilang nila :

Pateros 18,  Sacramento, Makati 12,   Severina 18, Parañaque ay 96,  Glorietta Tala, Caloocan 40, UPI -5 Parañaque 165, Cupang Munti, Muntinlupa  235, Fourth Estate, Parañaque 15, Central Signal, Taguig 26, Pamplona, Las Piñas 9.

Severina 18, Parañaque

paranaque (2)

Sacramento, Makati

sacramento, makati3

Cupang Munti, Muntinlupa

Cupang Munti, Muntinlupa

Glorietta Tala, Caloocan City

caloocan city

Fourth Estate, Parañaque

Fourth Estate

Pateros

Pateros