Panunumbalik ng magandang relasyon ng China at PHL, inaasahan ni Xi Jinping

UMAASA ang China na maibabalik sa dati ang magandang relasyon nito sa Pilipinas na nagkaroon ng sigalot dahil sa agawan sa teritoryo.

Ito ang sinabi ni Chinese President Xi Jinping nang makausap at batiin si President-Elect Rodrigo Duterte.

Ayon sa Chinese President, may malalim na pinagsamahan ang dalawang bansa na ang kapuwa interes ay magandang relasyon at kooperasyon, kaya’t umaasa siyang manunumbalik ito. (Eagle News)