Duterte hindi na magpapainterview sa media

Tuluyan nang isinara ni President-Elect Rodrigo Duterte ang pintuan nito para magpa-interview sa media.

Sinabi ni Duterte na ibo-boycott niya ang media hanggang sa matapos ang termino sa 2022.

Kapag mayroon aniya siyang interview ay maraming kritisismo at mali kaya mas mabuting wala na lang interview para walang kritisismo, walang maling pahayag at walang batikos.

Nauna nang ipinahayag ng kampo ng bagong Pangulo na lahat ng magiging pahayag nito ay idadaan na sa government television na PTV4.

Nagpayo naman ang Davao media sa Manila – based media na huwag na munang kulitin ang bagong Presidente dahil lumilipas din naman umano ang sumpong nito. (Eagle News)