Pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

Screen shot 2016-06-13 at 7.56.24 PM(Eagle News) — Magkakaroon muli ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis simula bukas.

Magtatapyas ang Chevron Philippines, Flying V, Seaoil at Phoenix Petroleum sa presyo ng gasolina habang itataas naman ng mga nabanggit ang presyo ng diesel at kerosene.

Magtataas ng P0.35 sa kada  litro ng diesel habang  P0.20  naman  sa kada litro ng kerosene.

Samantala, babawasan naman ng P0.10 ang presyo ng kada litro ng gasolina.