Pangulong Aquino, nagtungo sa Sulu kaugnay ng operasyon laban sa Abu Sayyaf

Screen shot 2016-06-15 at 7.47.56 PM
File Photo: President Benigno Aquino III

(Eagle News) — Personal na nagtungo si Pangulong Benigno Aquino III sa Jolo, Sulu  matapos pugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayaff Group (ASG) ang ikalawang bihag na Canadian na si Robert Hall.

Nais ng pangulo na tingnan ang isinasagawang manhunt at offensive operations ng militar at pulisya laban sa ASG na may hawak pang bihag na Norwegian national na si Kjartan Sekkingstad at Pilipina na si Marites Flor.

Sa press briefing, inamin ng pangulo na kinokonsidera niya ang pagdedeklara ng batas-militar sa sulu dahil sa hostage crisis doon.

Tiniyak din ng pangulo sa norway na ginagawa nila ang lahat para mapalaya ang ang Norwegian hostage.

Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., lalo pa aniyang palalakasin ng tropa ng pamahalaan ang operasyon laban sa ASG para mailigtas ang mga nalalabing bihag hanggang sa pagbaba sa puwesto ng pangulo sa Hunyo 30.

Si Hall ang ikalawang Canadian national na pinugutan ng ulo dahil hindi naibigay ang P300 million na hinihinging ransom.