Abot-Alam Program ng DepEd para sa mga out-of-school youth, inilunsad sa Marilao, Bulacan

MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) Marilao ang programang ‘Abot-Alam’ sa pakikipagtulungan ng lokal ng pamahalaan ng Marilao, Bulacan para sa mga kabataan na walang kakayahang pumasok sa paaralan at ang mga may kapansanan o Person with disabilities (PWD).

Ang paglulunsad ng programa ay isinagawa sa Municipal Atrium na pinangunahan ni ALS Provincial Director Celestino Carpio at Marilao North DepEd District Supervisor Maria Neriza Fanuncio. Ito ay sa pakikipagtulungan din ng Pamahalaang Bayan, mga school head ng iba’t ibang paaralan sa Marilao, barangay officials at pamunuan ng Parent Teachers Association (PTA).

Layunin ng programa na malaman ng lahat ng mga out-of-school youth (OSY) at mga PWD na makapag-enrol ang mga ito sa program intervention sa edukasyon, pagnenegosyo, at trabaho depende sa kanilang kakayahan.

Umabot sa 140 kabataan ang nabiyayaan ng nasabing programa.

Joey Tagum – EBC Correspondent,  Marilao Bulacan

Courtesy: PIO Marilao

 

 

Related Post

This website uses cookies.