(Eagle News) – Nararanasan na rin ng mga magsasaka sa Bangued, Abra ang epekto ng El Niño.
Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), natutuyo na ang irigasyon sa mga sakahan sa Abra.
Hindi na rin anila sapat ang tubig na dumadaloy sa Abra Communal Irrigation System.
Ang Abra Communal Irrigation system ang nagkakaloob ng patubig sa mga sakahan sa tatlong munisipalidad sa Abra: ang Tayum, Pidigan at Bangued.
Galing naman ang tubig sa Abra River.
Kaugnay nito, hindi na rin nakakapagtanim ng gulay,ang mga magsasaka sa ilang barangay.
Tumulong na rin ang NIA sa pagbibigay ng water pumps para sa mga magsasaka…
Patuloy na mino-monitor ng ahensya ang sitwasyon sa buong lalawigan dahil sa El Nino.