Abugado ni expelled INC member Fruto, wala sa listahan ng IBP

(Eagle News) — Wala sa roll of attorneys ng Integrated Bar of the Philippines ang tumatayong abugado ng itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Jose Norlito Fruto.

Ang nagpapakilalang abugado ni Fruto na si Joaquin Misa, Jr .ay sasampahan sana  nitong Miyerkules ng disbarment complaint sa Korte Suprema ni Atty. Roderick Manzano.

Pero ayon kay Manzano, nang beripikahin na nila sa Office of the Bar Confidant ang pangalan ni Misa ay hindi tumugma ang license number nito sa pangalan ng abugado na nasa roll attorneys.

Bukod dito, ang pangalan ni Joaquin l. Misa Jr ay wala rin sa database ng IBP ng mga nakapasang abugado.

Si Joaquin Misa Jr. ang abogado ni Fruto sa kasong rape sa Pasay Regional Trial Court.

Dahil dito, beberipikahin muli ang pangalan ni Misa sa records para madetermina kung lisensyadong abugado talaga ito

Related Post

This website uses cookies.