Accredited hotels at resorts sa Boracay, nadagdagan pa

(Eagle News) — Dahil sa pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay, kabilang sa mga ipinasara at ipinaayos ang ilang mga establisyemento, hotel at mga resort dahil sa paglabag sa patakaran ng isla lalo na sa usaping pangkalinisan.

Makalipas ang anim na buwang muling unti-unting pagbangon at pagsasaayos sa isla para sa patuloy na paglago ng turismo sa ating bansa, umabot sa 316 kabuuang mga hotel at resort na ang maaaring makaaccomdate ng mga bisita dahil sa pagtugon sa requirements na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government at Department of Tourism.

Ngunit alinsunod sa patakaran ng isla para sa mga turistang nais magcheck-in sa mga hotel at resort, kailangan muna nilang magpabook o magpareserve ng room bago pumunta sa isla. (with a report from Eagle News Aklan Bureau Grace Anne Reyes)

Related Post

This website uses cookies.