MANILA, Philippines (Eagle News) — Simula sa susunod na taon, kinakailangan nang mag-paunang bayad ng mga passport applicants ng processing fee sa pamamagitan ng kanilang bank account kung mag o-online appointments para sa application o renewal.
Sinabi ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, kinakailangang mag-isyu ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng guidelines para sa tinatawag na bank e-payment na mag-oobliga sa mga aplikante na magbayad muna kahit kalahati ng kanilang passport fee.
Ang ganitong advance payment anya ay para maiwasan na ang bilang ng mga aplikanteng nagpapareserve ng appointment na hindi naman sumisipot sa interview.
Dagdag ni Cayetano, ngayong taon umabot na kasi umano sa 40 percent ang no-show sa appointment.