AGILA PROBINSYA — Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS) sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa gagawing aerial survey sa palibot ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Ito ay upang makita kung gaano kakapal ang abong naipon sa palibot ng Mt. Bulusan at kung aling mga lugar ang naidagdag sa mga pwedeng manganib oras na ito ay sumabog.