CAMARINES NORTE (Eagle News) – Sinasamantala umano ng makakaliwang grupo ang pag-alis ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang nakikitang dahilan sa mga naitalang bakbakan sa pagitan ng Militar at CCP/NPA sa Albay, Sorsogon, at Masbate.
Tiniyak naman ang kahandaan ng Armed Forces of Philippines (AFP) partikular na ang 902nd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Ferozaldo Paul Regencia na proteksyunan ang mamamayan sa Bicol laban sa mga pagkilos o masamang gawain ng makakaliwang grupo.
Hinikayat ni Regencia ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-National People’s Army (CPP/NPA) na magsundalo na lamang at isuko ang kanilang mga armas kaysa itaya ang kanilang buhay sa pakikipaglaban na wala namang mabuting patutunguhan. Patuloy din ang ginagawang monitoring ng militar sa limang bayan sa Camarines Norte na itinuturing na hot spot dahil sa mga impormasyon na kanilang natatanggap na pinamugaran ng makaliwang grupo.
Orlando Encinares – EBC Correspondent