(Eagle News) — Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pa napapanahon na alisin ang martial law sa Mindanao, isang taon mula nang maganap ang Marawi siege.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., hindi pa kailangang alisin ang Martial Law hangga’t hindi pa nahuhuli ang mga natitirang rebelde at nakukumpiska ang mga loose firearm.
Sa ngayon, nasa 6,000 iligal na armas pa lamang ang naisusuko sa kanila, at meron pang 24,000 iligal na firearms ang hindi pa naisuko.
Paliwanag pa nila, malaki pa ring banta ito sa seguridad sa mga naninirahan sa Mindanao.