AFP suportado ang LADRRMO sa Emergency Response Disaster Program ng lungsod

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Makakaasa aniya ang Laguna Association of Disaster Risk Reduction and Management Officers (LADRRMO) sa suporta at kooperasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Emergency Response Disaster Program nito sa buong Laguna. Ito ang ipinahayag ng AFP 525th Engineering Combat Batallion sa isinagawang monthly meeting kamakailan.

Ang LADRRMO ay isang association na binubuo ng 24 na munisipalidad at anim na lungsod ng Laguna. Layunin nito na mapalakas at mapagkaisa ang lungsod sa pagbuo ng pamamaraan ng pagligtas pagdating ng mga hindi inaasahang kalamidad o sakuna. Nais din nilang makatulong sa mga magaganap na sakuna, tulad ng:

  • Sunog
  • Lindol
  • Baha
  • Iba pang uri ng kalamidad

Ang Humanitarian Assistance and Disaster Response Program ng Philippine Army ay nagpahayag sa pamamagitan ni Maj. Roque O. Dupa, (CE) PA na suportado nila ang naturang asosasyon sa larangan ng pagsasanay sa mga rescue operation at emergency response. Mayroon itong kakayahan sa pagtulong sa pamamagitan ng kanilang mga makabagong equipment at kasanayan sa pagsasanay sa larangan ng mga pagsagip ng buhay.

Nagpasalamat naman si G. Antonio Z. Lu, Presidente ng LADRRMO sa suporta at pakikiisa ng Philippine Army na katuwang nila sa mga programa ng kaligtasan at pagresponde ng pagsasanay sa mga hindi inasahang kalamidad.

Willson Palima – EBC Correspondent, Biñan City, Laguna

Related Post

This website uses cookies.