AFP-WesMinCom nananawagan sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Nanawagan si Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Commander ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) sa mga taga-Sulu na makipagtulungan sa militar. Ituro na rin aniya ang lugar na pinagtaguan ng mga taong responsable sa pagpugot kay Sgt. Anni Siraji noong nakaraang linggo.

Sinabi pa ni Galvez na mabibigyan lamang ng hustisya ang pamilya Siraji kung mapanagot ang mga taong walang awang pumaslang sa isa sa kanilang tauhan na sakop ng 32nd Infantry Batallon. Dalawang araw matapos bihagin si Siraji ay pinugutan na ito ng grupo ni Abusayaf Sub-leader Hativ Sawajaan sa Barangay Igasan, Patikul Sulu. Subalit tatlong araw na bago na-recover ng militar ang kaniyang bangkay. Agad na dinala sa Zamboanga ang mga labi ni Sgt. Siraji upag igawad ng marangal na paglibing na base sa tradition ng Islam.

Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City

Related Post

This website uses cookies.