Aguirre kay De Lima: Maglabas ng ebidensya na wala siyang kinalaman sa tangkang pagpatay kay Sebastian

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipapanalangin na lang daw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang kahinaan ng karakter ni Senadora Leila De Lima.

Ito ang sagot ni Aguirre sa pagtawag sa kanya ni De Lima bilang “despicable lying bastard.”

Hinamon ni Aguirre si De Lima na sa halip na siraan nito ang kanyang pagkatao ay maglabas na lang ng mga ebidensya na wala siyang kinalaman sa tangkang pagpatay kay Jaybee Sebastian.

Bilang abogado at isang bar placer ay alam anya ni De Lima na ang ikapapanalo o ikatatalo ng isang kaso ay base sa mga ipinipirisintang ebidensya.

Hindi anya uubra sa hukuman ang istilo ng Senadora na name calling bilang ebidensya.

Kinuwestyon din ni Aguirre kung bakit pinag-iinitan ni De Lima ang kanyang buhok na wala namang kaugnayan sa paglipana ng kalakalan ng droga sa bilibid.

Related Post

This website uses cookies.