PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Balik serbisyo na ang air ambulance para sa mga Palaweño. Ito ay matapos na mabigyan ng Airworthiness Certification mula naman sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ito ay opisyal nang nagsimulang magbigay serbisyo sa mga pasyenteng nangangailangan noong Setyembre 4, 2017 matapos suspendihin noong buwan ng Hunyo.
Ayon kay DOH Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo, muli ng nanumbalik ang serbisyo ng Air Ambulance sa mga malalayong lugar sa lalawigan ng Palawan simula pa noong ika-15 ng Agosto 2017. Kung saan nagtatala ito ng 2-3 lipad kada araw dala ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medical.
Base sa tala ng DOH, umaabot na sa 99 na pasyente ang nabigyan na ng serbisyo ng Air Ambulance mula lamang noong ika-9 ng Pebrero hanggang ika-31 ng Hunyo 2017.
Pangunahing nabibigyang tulong umano nito ay ang mga pasyenteng nagmumula sa Cuyo, Magsaysay, Balabac at Brooke’s Point, Palawan. Nakapagbigay na rin umano ito ng tulong sa mga pasyente mula naman sa Zamboanga at Tawi-tawi.
Para naman sa mga nangangailangan ng tulong ng Air Ambulance ay maaaring tumawag sa mga numerong 0917-553-1651/09985492585.