MANILA, Philippines (Eagle News) –Bumaba ang porsyento ng air pollution sa ginawang pagsalubong ng bagong taon, ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Mas mababa ang naging polusyon ngayong taon kung ikukumpara noong taong 2016 at 2017.
Sa Taft Avenue sa Maynila ay bumaba ng 59 percent ang air pollution.
Mahigit 80 porsyento–83 porsyento—naman ang ibinaba sa Paranaque City habang naitala naman ang 46 porsyento sa Pasig City.
Naranasan din ang pagbaba ng porsyento ng polusyon sa Navotas City.
Ayon kay DENR Air Quality Management Section Officer-in-Charge Gerry Capulong, nakatulong sa pagbaba ang Executive Order No.28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimita sa paggamit ng mga paputok.