(Eagle News) — Nagiging sanhi ng malnutrisyon sa mga puno ang air pollution mula sa mga bukid, diesel engine at factory.
Ayon sa researchers ng Imperial College at Kew Gardens ng Britain, ito ay dahil sa pinapatay ng air pollution ang fungi na nagbibigay sustansiya sa mga puno.
Makikita sa mga puno sa Britanya at Europa ang pag-kupas ng kulay at kaunting pag-lago ng mga dahon.
Nasa pagitan ng 15 hanggang 90 percent ng mga gubat sa United Kingdom ang kinu-kunsiderang apektado ng mga pollutant na umaabot hanggang lupa at mga ugat ng puno.
Dahil dito, sinabi ng mga researcher na dapat bawasan ang legal limits ng air pollution na masyadong mataas.