(Eagle News) — Bubuo ang lokal na pamahalaan ng aklan ng isang konseho upang mapigilan ang mga banyaga na magtrabaho sa Boracay.
Ito ay inirekomenda ni Aklan LGU Consultant Odon Bandiola matapos na mapaulat na dalawang libong iligal na foreign worker ang nagtatrabaho sa isla.
Nagmula ang impormasyon sa datos na nakalap ng Bureau of Immigration at ng Department of Labor and Employment.
Nitong nakaraang buwan lamang, pinagtibay ng gobyerno ang 25 billion pesos na action plan para sa isla ng Boracay.