ALBAY, Philippines (Eagle News) – Malaki ang pagpapasalamat ng mga buntis and lactating mothers sa iba’t- ibang barangay sa Tabaco City, Albay dahil sa natanggap nilang mga food packs. Totoong malaki ang maitutulong nito sa kanila lalo na’t ilan sa kanila ay pansamantalang nawalan ng trabaho at kita dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Kabilang sa mga barangay na nabigyan ay ang mga sumusunod na barangay: Basud, Panal, Bankilingan, Guinobat, Mariroc, Pinagbobong, Matagbak, San Vicente, San Antonio, Oson, Magapo, San Isidro at Basagan.
Sa Tiwi, Albay, nagpapatuloy din ang pagbahagi ng second batch ng mga food pack sa iba’t-ibang barangay — Ligtong, Baybay, Uyama at Tigbi. Pinapanawagan sa mga residente sa nasabing lugar na maglabas ng upuan o anumang mapagpapatungan ng mga food pack.
Dahil dito, hindi na nila kailangan lumabas pa ng bahay. Sinabi ng lokal na pamahalaan na lahat ng mga residente at sisikapin nilang mabigyan. Pinapayuhan ang lahat na manatili lamang na kalmado at sumunod sa payo ng mga eksperto at mga awtoridad para maiwasan at malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.
(Vincent Mendoza, Eagle News Service correspondent in Albay)