Alert level 3 idineklara sa Surigao City

(Eagle News) — Idineklara na ni Vice Mayor Alfonso Casurra Vice Chairman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang Alert Level 3 sa Surigao City.

Ito ay dahil sa walang tigil na pag-ulan kung saan naitala ang 34.2 millimeter kada oras na buhos ng ulan.

Dahil rito, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa buong lungsod.

Nagpapatupad na rin ng force evacuation para sa mga lugar na prone sa pagbaha at pagguho ng lupa.

https://youtu.be/hpnPKpLG2EY