Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang alok ng Moro National Liberation Front (MNLF) na 5,000 tauhan para tumulong sa pagsugpo sa Maute Group.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa liham na ipinadala sa kaniya ni MNLF Chief Nur Misuari, handa niyang patulungin ang kaniyang tauhan sa operasyon ng pamahalaan laban sa mga bandidong grupo.
Ayon pa kay Misuari, ito na ang kaniyang pagkakataon para mapatunayan ang kaniyang kahandaan na makipagtulungan sa gobyerno.
Sa ganitong paraan ay maipapakita niya rin aniya na handa siyang tumulong sa Pangulo at sa publiko na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.
Una na ring umapela si Duterte ng tulong mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People’s Army (NPA) para labanan ang terorismo sa timugang bahagi ng bansa.