Alvarez, isinusulong na pag-isahin na lang ang LTO at LTFRB

MANILA, Philippines (Eagle News) – Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pag-isahin na lamang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO).

Ito ang nilalaman ng inihain nitong House Bill No. 6776 o ang Land Transport Act of 2017, na naglalayong bumuo ng Land Transportation Authority para mabawasan ang pagkalito kung anong ahensya ang nakatalaga sa pag-maintain ng Land Transportation Laws sa bansa.

Sa nasabing panukala, ang nasabing opisina ay pangangasiwaan ng isang chairman at apat na board members na mananatili sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Kumpara sa kasalukuyang set-up na pinangungunahan ng isang chairman ang LTFRB at dalawang member, habang ang LTO ay pinangungunahan ng isang chief na mayroong ranggong Assistant Secretary. (Eagle News Service)

https://www.youtube.com/watch?v=ShxSzXlp5j4&feature=youtu.be