TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang sunflower maze. Ito ang kauna- unahang maze sa bansa na may sukat na 2,000 square meters. Bukod sa sunflower ay makikita rin ang iba’t ibang klase ng gulay at mga bulaklak na pwedeng itanim sa low land. Makikita rin dito ang kulay violet na mais.
Ang entrance fee ay 100 pesos. May discount ang mga bisitang person with disabilities (PWDs), senior citizen at mga school children. Mayroon ding activity dito tulad ng watermelon and vegetables pick and pay, food and agri- trade fair, seminar series at fun games.
Ayon kay Ginoong Michael Caballes, President ng Allied Botanical Corporation, layunin aniya nito na magsaliksik at mamili ng binhi na maaari sa klima ng Pilipinas. Mag-develop ng variety of vegetables and flowers na matibay sa peste at init. Kanila ring hinihikayat ang mga tao sa pagsaska. Katulad ng sinabi ni Senadora Cynthia Villar hinihikayat nila ang mga anak ng farmers na sakahin ang bukirin ng kanilang mga magulang dahil kung walang farmer wala tayong pagkain.
Ayon pa sa Senador ang mga bukirin ay maaring gawing tourist farm na pupuntahan ng mga tao para sa pandadag na income. Kapag naging farm school naman ay makakakuha sila ng income mula sa pagtuturo ng agriculture sa mga farmer. Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga farmer na ma-i-upgrade ang kanilang sarili at madagdagan ang kanilang kaalaman ukol sa mga bagong kaalaman sa pagsasaka para mapataas nila ang kanilang ani at kita.
Natutuwa rin ang Senador dahil mapalad ang Pangasinan dahil may allied seeds. Naka-develop sila ng tourist farm. Ang mga farm ngayon ay hindi na basta ordinary farm na nagtatanim may mga gimik na sila para ma-attract ang mga tao. Natutuwa aniya siya dahil ito ay idea ng farm tourism.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, Tayug, Pangasinan