Sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang kinatawan ng Panama sa Pilipinas, sinabi ni Ambassador Rolando Guevara Alvarado na nais niyang higit na mapagbuti at mapalalim pa ang relasyon ng dalawang bansa sa aspeto ng edukasyon at turismo.
Sinabi ito ng ambassador sa personal na pagbisita niya sa Eagle Broadcasting Corporation, kung saan tinanggap siya ng mga nangangasiwa sa himpilan.
Sa panayam, nagbigay rin ng kaniyang pananaw si Ambassador Alvarado sa pagkalat ng mga tinatawag na fake news, at sa responsibilidad ng mga nasa media sa makatotohanan at responsableng pagbabalita.