Ambassador ng South Korea, dumalaw sa Cavite

CAVITE, Philippines — Mas pinatibay na samahan sa pagitan ang Cavite at ng bansang Korea ang pinag-usapan sa pagdalaw ng ambassador ng South Korea sa Cavite.

Kabilang sa mga nagpulong sina South Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae-Shin, Provincial Governor Jonvic Remulla, Jr., Minister Counselor Dong-Han Yang, Consul Park, Secretary Byeong-Ik Lee, Economist Yealim Lim, Koica-Philippines Officer Minhyeok Song, Provincial Health Officer Dr. George Repique at dalawa pang ibang doctor mula sa Korea-Philippines Frienship Hospital.

Kabilang sa mga palalakasin at tututukan ng pinaigting na pagtutulungan ay ang inobasyon para sa kalusugan maging ang kapayapaan at kaayusan.

(Eagle News Correspondent Avril Diña)

Related Post

This website uses cookies.