American Athlete at swimmer na si Ryan Lochte na-hold up sa Brazil

Eagle News – Na-hold up ang American Swimmer at Athlete na si Ryan Lochte ilang oras pagkatapos ng kaniyang laro sa Rio Olympics sa Brazil. Ayon kay Lochte, sakay sila ng taxi pabalik na sana sa kanilang village nang parahin ng mga holdaper ang kanilang sinakyang taxi. Kinuha aniya ng mga suspek ang kanilang mga gamit habang tinututukan sila ng baril.

Nangyari ang insidente ng pauwi galing sa dinaluhang party sa bahay ng kasama nilang French Teammate nang sila ay holdapin ng mga hindi pa nakilalang mga suspek.

Ligtas naman si Lochte at ang tatlo pa nitong kasamang atleta.

Courtesy: Jet Hilario