(Eagle News) — Walang binabantayang bagyo o namumuong sama ng panahon ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng philippine area of responsibility (PAR).
Ngunit nagbalik naman ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan sa extreme northern Luzon habang apektado ng easterlies ang malaking bahagi ng bansa.
Magiging maaliwalas ngayong araw ang panahon sa buong Luzon kabilang na ang Metro Manila at makararanas lamang ng mga isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Sa Visayas naman at Mindanao, magiging maganda ang panahon ngayong araw at localized thunderstorms lamang din ang iiral.
Wala namang gale warning na nakataas saanmang bahagi ng Pilipinas kaya maaaring makapaglayag ang mga sasakyang pandagat.