(Eagle News) — Hindi kinikilala ng Sabah ang pag-angkin ng Pilipinas sa kanilang estado at iginiit na sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Malaysia.
Ayon kay Chief Minister Musa Aman, sila ay nasa Malaysia at pinili nilang patuloy na maging bahagi ng soberanya nito mula pa nang ito ay mabuo.
Ito ang naging tugon ni Musa, sa pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte kung saan sinabi niya ang kaniyang balak na ipagpatuloy ang pagbawi sa Sabah.
Ayon pa kay Musa, ang mga taga-Sabah ay nakararanas ng kapayapaan, “stability” at magandang lagay ng ekonomiya sa pagiging bahagi ng Malaysia.
Sa watawat din ng Malaysia aniya sila nanumpa, at ‘irrelevant’ rin umano para sa kanila ang pahayag ni Duterte.
Eagle News Service.