“Ang Sikreto ng Piso,” tampok sa MMFF 2017

Isa na namang pelikula na may pamagat na “Ang Sikreto ng Piso” ang tiyak na aabangan ng mga manonood.

Isa itong historical at family-oriented comedy film na hango sa actual events patungkol sa smuggling ng Philippine peso coin ng taong 2006.

Ang pelikulang “Ang Sikreto ng Piso” ay sinulat at ididirek ng stage, TV and film director na si Perry Escaño.

Pagbibidahan ng actor-politician na si Alfred Vargas ang “Sikreto ng Piso” na siyang gaganap na Ronnie, isang asawa at ama na ang tanging pangarap lang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Dahil sa kagustuhang kumita ng malaki sumabak si Ronnie sa isang kakaibang side-line – ang pangongolekta ng maraming piso na kalauna’y malalaman niyang ilegal dahil ang mga piso na kinokolekta niya ay ini-smuggle sa ibang bansa.

 

This website uses cookies.