Bagamat kilala ang Iglesia Ni Cristo sa naglalakihan nitong mga gusaling sambahan sa buong Pilipinas. Sunod-sunod ang pagpapatayo ng mga barangay chapel upang matugunan ang mga pangangailangang espiritwal ng mga kaanib at maging ng mga aanib pa lamang sa loob ng Iglesia.
Kaugnay nito ay anim na barangay chapel ang pinasinayaan sa Misamis Oriental. Ang mga barangay chapels na ito ay tinawag na lokal ng CP Garcia at Talsao sa bayan ng Libertad, Dahilayan at Maluko sa bayan ng Manolo Portage, San Simon sa lungsod ng Cagayan De Oro at Kabalawan sa lungsod ng Moog.
(Agila Probinsya Correspondent Glerma Villaruel)