Anim na landslide naitala sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur; isa patay, 2 katao sugatan

(Eagle News) — Sa kasagsagan ng bagyong Ramil at sa lakas ng buhos ng ulan nitong Huwebes, Nobyembre 2, anim na pagguho ng lupa o landslide ang naitala sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur.

Limang bahay ang nadamay sa nasabing landslide at isang bahay dito ang natabunan ng lupa.

Patay sa nasabing insidente ang nakilalang residente na si Ryan Lasmarinas, 32 taong gulang ng matabunan ng lupa habang ang dalawang kasama nito na sina Felipe Olano, 85 at Cristy Bantal, 19 taong gulang ay sugatan naman at pawang nagpapagaling na sa ospital.

 

Related Post

This website uses cookies.