Anim na paaralan sa Maguindanao, pinasabugan

(Eagle News) — Pinasabugan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang anim na paaralang magsisilbi sanang polling centers  sa nalalapit na halalan sa Sultan Mastura, Maguindanao.

Kabilang sa mga paaralan na pinasabugan ng mga suspek ang Apayan Central  School, Dagurungan Elementary School, Tuka Elementary School, Darping Elementary School, Tareken Primary, at Simuay Seashore Elementary School.

Batay sa ulat, M-16 armalite rifles at granada ang ginamit ng mga suspek.

Matatandaang inilagay na sa “areas of immediate concern” ang Sultan Mastura kasama ng iba pang mga lugar sa Maguindanao para sa 2016 elections kaugnay ng pagkokonsidera sa presensya ng private armed groups, intense political rivalry at mga naganap na karahasan sa mga nagdaang eleksyon sa naturang lugar.

Related Post

This website uses cookies.