PATIKUL, Sulu (Eagle News) – Bagaman kinumpirma ng militar ang panibagong kaso ng pagdukot sa Sulu, hindi pa rin matukoy ni Brig. Gen. Cirlito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu kung saan dinala o tinago ng mga bandidong kidnaper ang kanilang bagong mga bihag na mula sa Patikul.
Ayon kay Sobejana, pasado 8:00 nitong Martes, November 14, pinasok ng mga armadong lalaki ang Phase-4 ng Brgy. Kalimayan, at tinutukan ng baril ang bawat madaanan nila.
Saka hinila umano ang limang lalaki kabilang na ang isang menor de edad bago tumakas.
Pinangalanan ni Sobejana ang mga nabihag na sina:
- Jessy Trinidad, 55 taong gulang
- Nene Trinidad 56 taong gulang
- Lucy Hapole 21 taong gulang
- Aalloh Trinidad, 22 taong gulang
- Nelson Hapole
- Jun Hapole (menor de edad)
Hindi pa umano malinaw kung ano ang motibo ng mga bandido.
(Ferdinand Ramos – Eagle News Correspondent)