Antas ng air pollution sa Metro Manila, tumaas – DENR

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tumaas ang lebel ng polusyon ng hangin sa Metro Manila sa pagsalubong sa taong 2017 kumpara sa nagdaang taon.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), bagamat mas kakaunti ang nagpaputok sa bagong taon ng 2017, marami naman aniya ang gumamit ng fountain o pailaw dahilan upang mas tumindi naman ang usok na likha nito na nagpataas sa polusyon ng hangin.

Ayon pa sa Environmental Management Bureau ng DENR, ang air pollution na naitala sa kalakhang Maynila ay umabot sa 448 microgram per under normal level, 433 microgram naman sa Parañaque, 324 microgram sa Taguig, habang 285 microgram naman sa Valenzuela at 175 microgram sa Muntinlupa.

Related Post

This website uses cookies.