Antas ng tubig sa Marikina river, nananatiling normal

Photo grabbed from PTV’s report on the situation in Marikina River

(Eagle News) — Nananatili sa normal na lebel ang antas ng tubig sa Marikina river sa kabila ng malawakang pag-ulan sa Metro Manila.

Ayon sa Marikina City Rescue, alas 8:00 kaninang umaga ay nasa 12.4 meters ang water level sa Marikina river, at sa ngayon ay walang anumang alarma na nakataas sa ilog.

Una rito, kaninang ala-una ng madaling araw (1:00 AM) ay 13.2 meters ang pinakamataas na water level na naitala sa nasabing ilog.

Samantala, nananatili ring normal ang water level sa Batasan bridge sa San Mateo Rizal sa 15.94 meters.

Malayo pa ito sa 18 meters na batayan para magtaas ng alerto.

Related Post

This website uses cookies.