MANILA, Philippines (Eagle News) — Isinusulong ni Senate President Franklin Drilon ang panukalang batas na nagbabawal sa pagiging balimbing o political butterfly ng mga pulitiko.
Itoy sa pamamagitan ng Senate Bill 226 o ang Political Party System Act na siyang magpapatatag sa loyalty o katapatan at ideological principles ng isang partido pulitikal.
Nakasaad sa nasabing panukala na pagbabayarin ang isang pulitiko ng 25 porsyentong surcharge kung aalis sa kanyang partido maliban pa sa pagsasauli ng mga tinanggap na pondo mula rito.
Sa ganitong paraan anya ay magda-dalawang isip ang isang pulitiko na lumipat sa liyamadong partido o sa kung anong partido kabilang ang nanalong pangulo.