“Mag-report, pagsasawalang-bahala ang magpapalala.” Ito ang panawagan ng San Jose City, Nueva Ecija Police Station upang masugpo o mabawasan ang child pornography – o ang pag-abuso at eksploytasyon sa mga bata.
Nagpalabas ng ilang mga paalala ang San Jose City Police Station kamakailan lamang upang maingatan laban sa pag-abuso ang mga kabataan.
- Huwag hayaan na makuhanan ng larawan o video ang mga bata nang nakahubad o sa malaswang paraan;
- Ang mga taong hindi kakilala o mga nakakausap sa internet ay maaaring hindi nagsasabi ng totoo.
- Huwag basta tatanggap ng alok sa mga taong hindi kakilala katulad ng pera, load, trabaho o pangako katulad ng paghuhubad “on-line” o pakikipag-eyeball”.
- Tratuhin ng maayos ang mga tao sa internet katulad ng pagtrato sa mga tao na nakakahalubilo sa paligid.
- Panatilihing pribado ang iyong “online information” tulad ng pangalan, address, mobile phone number, at iba pa.
- Kung nakakaramdam ng takot, kalituhan o hindi naging komportable dahil mayroong kumuha ng kanilang litrato o video o mayroong naranasan sa internet, makipag-usap sa mga nakatatanda gaya ng magulang, guro, guidance counsellor, pulis, barangay, dswd, at iba pa.
Narito ang mga paalaala upang maiwasan ang Child Pornography:
(Agila Probinsya Correspondents Mary Ann V. Ancheto, Emil Baltazar)