Anti-Distracted Driving Act, muling ipatutupad sa susunod na buwan

(Eagle News) — Nakatakda nang muling ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kontrobersyal na Anti-Distracted Driving Act sa susunod na buwan.

Gayunman, niluwagan ng LTFRB ang mga alituntunin sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Maaari nang maglagay ng mga gadget sa dashboard ng mga sasakyan basta’t hindi ito makasisira sa atensyon ng mga tsuper, ayon sa LTFRB.

Paglilinaw naman ng Department of Transportation (DOTr), saklaw din ng nasabing batas ang mga sasakyang hindi na kailangan ng lisensya tulad ng mga bisikleta, e-bike at kalesa.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakalathala na sa mga pahayagan simula ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas.

Related Post

This website uses cookies.