CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Inilunsad sa Carmen Gynanasium, Surigao del Sur ang Anti-Drug Abuse Campaign (ADAC) sa pangunguna ng mga kapulisan. Pinamunuan ito ni PS/Insp. Joy Allan Blasco COP, at sa pakikipagtulungan ng LGU Officials sa na pinangunahan ni Municipal Vice Mayor Teofila G. Cabatuan bilang kinatawan ng kanilang alkalde.
Tinalakay ng COP sa nasabing aktibidad ang Anti- Illegal Drugs Campaign Plan (Project Double Barrel) at ang Tokhang Output ng mga kapulisan, at gayundin ang mga panukalang programa at mga aktibidad para sa serbisyo sa mamamayan.
Courtesy: Dennis Ravelo – Tandag City, Surigao Del Sur