(Eagle News) — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na titignan rin nila ang mga kilalang personalidad at mga celebrity na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Southern Police District acting Director Sr. Supt. Tomas Apolinario, kabilang sa “anti-drug operations” ng PNP ay ang pagsugpo sa mga party drug gaya ng ‘Ecstasy’.
Kaugnay rin aniya ito ng nangyaring insidente sa isang “summer concert” sa Pasay city kung saan lima ang nasawi dahil sa paggamit ng esctasy.
Sabi ni Apolinario, dahil sa nasabing insidente, nakikipag-ugnayan na ang mga party at concert organizer sa mga pulis para matiyak na hindi magagamit ang kanilang event para sa pagbebenta ng iligal na droga.
Sa mga concert at party ay kadalasan aniyang dumadalo ang mga kilalang personalidad at celebrities.
Magdedeploy naman ang mga pulis ng drug-testing kits sa entrance ng mga nasabing event.