HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ang Hinatuan Municipal Police Station ng Drug Abuse and Prevention Lecture sa mga benepisyo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa dalawang magkahiwalay na Barangay ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Layunin ng ganitong aktibidad na lalo pang paigtingin ang kaalaman ng publiko tungkol sa masamang idudulot sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at ang programa ng Philippine National Police (PNP) Anti-illegal Drugs Campaign na Project double barrel.
Pagkatapos ng lecture ay namigay naman ng leaflets ang mga miyembro Hinatuan Police Station sa lahat ng mga benepisaryo ng 4P’s sa 24 na Barangay ng lungsod.
Ang nasabing leaflets ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa:
- Crime Prevention Tips
- Bomb Safety Tips
- Typhoon Safety Tips
Courtesy: Issay Daylisan